Tumanda ka na. Rebelde
ka pa rin ba? |
|
Sinasabi ko sa iyo, Magpaka-ilog ka, Mapaghanap ng Madadaluyan. Sumuot sa lamat, Gaano man kanipis. Mas matagal maubos Ang bato, alam ko, Lalo
na kung May kahalong yero At sinadya. Ngunit iyon ma’y Natitinag din. Mas mahirap yaong Mga bundok Na natayuan ng Mga punong Maugat at masukal. Kaibigan iyon, Hindi katalo. |
Walang hugis Ang pagbabago. Ang tubig, Hindi kinakahon. Tulay lamang At daan Na gawa Ng makabagong Siyensiya ng Pagsisimento Ang minomolde’t Pinaparisukat. Tulad ng punong Kahoy, tubig ay Naghahanap ng Pasikut-sikot At kapwa nilang Iisa ang Pinanggalingan Maging patutunguhan. |
|
Tumanda ka na. Ang ibig bang sabihin, Rebelde ka pa rin? |
Setyembre 6, 2000 10:30 – 11:00 pm
This poem was published in Centennial Crossings: Readings on Babaylan Feminism in the Philippines, ed. Fe B. Mangahas & Jenny R. Llaguno, C&E Publishing, 2006. |
|
